Tuesday, August 2, 2011

Pagluha sa Ulan

Ulan
tumulo na
tumutulo na
tutulo pa

Luha
tutulo na
tumutulo pa
ako’y pagod na

Sa ilalim ng ulan
Nalaman ko na walang katapusan
Ang bumabalot na kawalan
kahit pilitin mang kalimutan

Sa iyong piling
natutunan kong pigilin
Ang taimtim na kasiyahan
dahil alam kong walang patutunguhan

Sa pagtulo ng luha
napagtanto ko na para itong ulan
Mahuhulog kahit kalian
Di pumipili ng oras, di ka titigilan

Kailan ko malalaman
kung kailan titigil ang ulan?
Para naman maibsan
ang bigat na nararamdaman


No comments:

Post a Comment