Tuesday, August 2, 2011

Alaala sa Tag-ulan

Bumaba ng langit ang ulan
Nagpaalala ng kalungkutan
Sa lahat ng nakatingin
Sa kawalan at hangin


Ang ulan ay masakit
Parang mga karayom na maliliit
na tumutusok sa katawan
ng taong iniwan

Ang ulan ay mahapdi
Parang asidong kumukulti
Pag naalala ang pait
ng taong pinagpalit

Ang ulan ay nagpapapalala
kung sino ang iniwan at nang-iwan
kung sino ang sinaktan at nasaktan
Ito ang alaala ng tag-ulan

No comments:

Post a Comment