Monday, August 29, 2011

Inisyal na Paghahanap para sa MMCA 2011 Naganap

Noong nakaraang ika-12 ng Agosto 2011, nagkaroon ng paghahanap sa mga magiging kalahok sa MMCA (Mr. and Ms. Communication Arts) na ginanap sa room 106 at room 115.
            Ang MMCA ay isang patimpalak kung saan naghahanap ng mga kalahok upang maging opisyal na kinatawan sa MMAB (Mr. and Ms. AB).
            “(Ang) layunin nito ay upang maipakita hindi lamang ang panlabas na kagandahan ng mga CASAns pero upang maipakita ang tunay na kakayahan at tunay na gandang meron ang bawat isa,” ayon kay Bb. Connie Reyes, punong tagapangasiwa ng MMCA.
            Ang mga tumayong hukom at tagapagpasiya ay sina Ginoong Nicky Salandanan, Rogelio Mariano Jr., pangulo ng CASA (2011-2012), at si Goldwin Gan, dating ingat-yaman ng CASA 2010-2011. Tumayo ring tagapagpasiya sina Joyce Domingo, internal vice president ng CASA, Noel Murad, external vice president ng CASA at si Rachel Ching, kalihim ng CASA.
            Naging basehan ng mga hukom ang pisikal na presentasyon, talento, personalidad, kompiyansa, at katalinuhan.
            Simula ng ika-16 ng Agosto hanggang sa ika-23 ng Setyembre ay magkakaroon ng iba’t ibang klaseng activities ang mga kalahok tulad ng workshops, press conference at iba pang uri ng pagsasanay.


No comments:

Post a Comment