Nagsagawa ng isang pagtitipon ang CASA Executive Board katuwang ang CASA Adventure para sa mga mag-aaral sa unang antas na naganap noong ika-21 ng Agosto 2011 at ito ay pinamagatang Frolic.
“Noong isang taon, ang Communication Arts Students’ Association (CASA) ay nagsimulang magkaroon ng amazing race para sa mag-aaral sa unang antas bilang parte ng kanilang oryentasyon sa unibersidad at pati na rin sa CASA. Ang amazing race, na tinawag ngayon na Frolic ay isinagawa upang matupad ang mga sumusunod na layunin; una, upang maging pamilyar ang mga mag-aaral na ito sa mga lugar ng ating pamantasan; Ikalawa, magkaroon sila ng impormasyon tungkol sa unibersidad at sa kanilang kursong kinukuha; Ikatlo, upang mas mapaunlad ang kanilang kakayahang makalagpas sa mga pressure na ibinibigay ng kanilang kurso; Ang huli ay para mabigyan sila ng mainit na pagtanggap.” Ayon kay Bb. Joyce Domingo, CASA VP Internal ukol sa mga layunin ng Frolic.
Nais ng Frolic na hikayatin ang mga mag-aaral na CASANs sa unang antas na magkaroon ng pagkakaisa. Nagsilbing instrumento ang Frolic upang mas makilala ng mga lumahok ang isa’t-isa at magkaroon sila ng mas magandang samahan. Ito rin ay nagsilbing daan upang mas maging pamilyar at maintindihan ng mga mag-aaral ang kasaysayan ng unibersidad.
No comments:
Post a Comment