Saturday, September 3, 2011

Blast Off! CASA GA 2011 Ipinagdiwang!

Agosto 20, 1:00 p.m. - Naganap ang Communication Arts Students’ Association  General Assembly (CASA GA) sa Albertus Magnus Auditorium na pinamagatang “Blast Off.” Ang naging tema ng assembly para sa taong ito ay ang pagpapalitaw ng isang “Superhero” sa bawat isang CASAN. Ang layunin nito ay hikayatin ang mga CASANs na maging aktibo sa pagsali sa mga CASA guilds at upang masayang salubungin ang freshmen sa pamilya ng CASA.
“Ang ideya na gusto naming ipahayag ay ang lahat ng CASANs, mga bihasa sa sining ng komunikasyon, ay mayroong kakayahang baguhin ang mundo sa iba’t ibang paraan ngunit ang pagiging isang superhero ay isang malaking responsibilidad na kailangan mong gampanan, katulad ito ng pagkakaroon ng disiplina bilang miyembro ng Communication Arts. Sa maraming paraan, tayo ay superheroes dahil kaya nating patigilin ang oras upang tapusin ang lahat ng ating mga commitments at ating mga responsibilidad. Tulad nalang ng pagiging isang Junior student, kailangan niyang pagdaanan ang TV Production tapings, napakaraming SocioComm essays, mga script na kailangang isulat at marami pang iba, para lang sa unang semester. Kung hindi ba naman super heroic ang buhay ng isang CASAN, eh ewan ko na lang. Sa pagpapalitaw ng superhero sa bawat CASAN, ipinapaalala namin na kahit sino pwede maging superhero kahit pa gaano kaliit ang kanyang ginawa. Ika nga, ‘the biggest mountain started as the smallest rock’. Ang ninanais na pagbabago ay makakamit sa pagliligtas ng mundo, na kung saan nagsisimula ito sa pagbabago sa ating mga sarili,” pahayag ni Rohj Mariano,  CASA President.
Sa pagtitipon na naganap ay ipinakilala ang mga kandidato para sa MMCA 2011 na nagmula sa iba’t-ibang seksyon sa lahat ng antas ng CA. Nagpakitang gilas din ang freshmen sa pamamagitan ng kanilang mga talento at nagkaroon ng mga papremyo na nanggaling sa Unisilver, Zombadings, at Tween Academy Class of 2012 ng GMA Films. Dumalaw at nagbigay suporta din sina Pam Magbitang (dating CASA President), Goldwin Gan (dating Treasurer ng CASA) at Julius Fernandez (ABSC President). Nagkaroon din ng panauhin mula sa GMA7 na si  Bb. Joyce Ching, dalagang aktres mula sa Tween Academy Class of 2012


1 comment:

  1. Ung title ng film is "Tween Academy Class of 2012"...

    ReplyDelete